Wednesday, April 3, 2013

8:54

Isang masakit na sampal mula sa sikat ng araw ang gumambala sa mahimbing na pagkakatulog ko sa bus. Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan papunta. Basta ang huling natatandaan ko mabilis ang pagtakbo ko palayo mula sa bahay namin at bigla nalang akong sumakay sa isang bus na kulay pula na merong itim na linya sa itaas. 

At nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha.

------

"Ma san ho kayo?"

Tanginang 'to uh! Anong 'ma' ang pinagsasabi mo. Bata pa ako. Hindi pa nga ako natutubuan ng balbas e. 

"Huh? Hindi ko alam! San ba papunta 'to?"

"Bataan. Teka, saan ba kayo pupunta?"

"Huh? Hindi ko 'din alam e. Ibaba mo nalang ako sa huling bayan bago pumasok ng Bataan proper"

Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko alam kung saan papunta 'tong bus na 'to. Konting linga-linga sa paligid. Wala akong ibang makita kundi ang mga sasakyan na naguunahan sa pupuntahan nila. Ambibilis nila. Inayos ko ang aircon na sakto sa kayang lamig lang na gusto ng katawan ko. Inayos ko 'din ang sarili ko sa pagkakaupo. Wala na akong pake sa katabi ko. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagtulog at baka doon malaman ko na kung saan ba talaga ako patutungo.

"Teka! Hala uy! Hindi ko dala ang cellphone ko"

Patay na. Paano nila ako makokontak kung asan ako. Paano ko sasabihin kung nasaan ako. At papaano ko malalaman kung may maghahanap ba sa akin kapag nawala ako. Paktay na! Wala na akong magagawa. Andito na ko e. Kelangan ng panindigan. Ieenjoy ko nalang 'tong byahe ko na 'di ko alam ang patutunguhan.

At bumalik na ko sa pagkakatulog. At baka nga doon makita ko na kung saan ako pupunta.

Isang masakit na sampal mula sa sikat ng araw ang gumambala sa mahimbing na pagkakatulog ko sa bus............

Thursday, February 14, 2013

Folks

Antagal na 'din uh. Antumal na 'din kasi ng mga nangyayari sakin. Walang gaanong magandang karanasan, walang bagong nakilala, walang bagong bisyo at lumang ako pa 'din. Ewan! Siguro sinasanay ko nalang ang sarili kong makuntento sa kung ano ang meron ako sa ngayon. Puta! Andrama!

Tulad nalang nito. Ilang beses ko 'din pinagplanuhan na simulan na ang pagaayos para kahit papano naman hindi magmukhang kartong may lumang gulong ang blog na 'to. Gusto ko kahit papano medyo maayos. May palamuti, may panakaw na tema sa mata. Tipong mala-pyesta ang tema tapos may bandang may kasamang majorette na maiikli ang suot na palda, maraming tao. Basta 'yung tipong hindi boring pag minsang binisita. Handang balik-balikan ng manunuod. Pero ewan ko lang uh, sa itsura nito. Mukhang lalangawin at lalangawin ang lahat. Mahirap na kasi. Hindi na nga maganda ang nakalagay tapos wala pa 'din kwenta ang itsura. Baka may bigla nalang bumatok sakin sa labas.

At ito, good! Wala pa 'din nangyari. Kung paano ko siya iniwan nung nakaraang taon, ganito pa 'din ang nadatnan ko. Nakasulat sa taas ang "Karding Bulabog" na may plain na kulay. Malungkot na kulay. Ewan! Nagdaan na nga ang chinese new year tapos ganito pa 'din.

Nga pala, nadukutan ako. 'Yun lang ang kakaibang nangyari sakin nitong nagdaang mga buwan.