Tulad nalang nito. Ilang beses ko 'din pinagplanuhan na simulan na ang pagaayos para kahit papano naman hindi magmukhang kartong may lumang gulong ang blog na 'to. Gusto ko kahit papano medyo maayos. May palamuti, may panakaw na tema sa mata. Tipong mala-pyesta ang tema tapos may bandang may kasamang majorette na maiikli ang suot na palda, maraming tao. Basta 'yung tipong hindi boring pag minsang binisita. Handang balik-balikan ng manunuod. Pero ewan ko lang uh, sa itsura nito. Mukhang lalangawin at lalangawin ang lahat. Mahirap na kasi. Hindi na nga maganda ang nakalagay tapos wala pa 'din kwenta ang itsura. Baka may bigla nalang bumatok sakin sa labas.
At ito, good! Wala pa 'din nangyari. Kung paano ko siya iniwan nung nakaraang taon, ganito pa 'din ang nadatnan ko. Nakasulat sa taas ang "Karding Bulabog" na may plain na kulay. Malungkot na kulay. Ewan! Nagdaan na nga ang chinese new year tapos ganito pa 'din.
Nga pala, nadukutan ako. 'Yun lang ang kakaibang nangyari sakin nitong nagdaang mga buwan.
ayun.. kailangan ng blog logo para sa mga shirt sa anniversary sabak.. gawa ka na.. hehehe
ReplyDeletesolb naman dito, adre.. maaliwalas nga eh.. tsaka ingat-ingat lang..