Wednesday, April 3, 2013

8:54

Isang masakit na sampal mula sa sikat ng araw ang gumambala sa mahimbing na pagkakatulog ko sa bus. Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan papunta. Basta ang huling natatandaan ko mabilis ang pagtakbo ko palayo mula sa bahay namin at bigla nalang akong sumakay sa isang bus na kulay pula na merong itim na linya sa itaas. 

At nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha.

------

"Ma san ho kayo?"

Tanginang 'to uh! Anong 'ma' ang pinagsasabi mo. Bata pa ako. Hindi pa nga ako natutubuan ng balbas e. 

"Huh? Hindi ko alam! San ba papunta 'to?"

"Bataan. Teka, saan ba kayo pupunta?"

"Huh? Hindi ko 'din alam e. Ibaba mo nalang ako sa huling bayan bago pumasok ng Bataan proper"

Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko alam kung saan papunta 'tong bus na 'to. Konting linga-linga sa paligid. Wala akong ibang makita kundi ang mga sasakyan na naguunahan sa pupuntahan nila. Ambibilis nila. Inayos ko ang aircon na sakto sa kayang lamig lang na gusto ng katawan ko. Inayos ko 'din ang sarili ko sa pagkakaupo. Wala na akong pake sa katabi ko. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagtulog at baka doon malaman ko na kung saan ba talaga ako patutungo.

"Teka! Hala uy! Hindi ko dala ang cellphone ko"

Patay na. Paano nila ako makokontak kung asan ako. Paano ko sasabihin kung nasaan ako. At papaano ko malalaman kung may maghahanap ba sa akin kapag nawala ako. Paktay na! Wala na akong magagawa. Andito na ko e. Kelangan ng panindigan. Ieenjoy ko nalang 'tong byahe ko na 'di ko alam ang patutunguhan.

At bumalik na ko sa pagkakatulog. At baka nga doon makita ko na kung saan ako pupunta.

Isang masakit na sampal mula sa sikat ng araw ang gumambala sa mahimbing na pagkakatulog ko sa bus............

No comments:

Post a Comment

Bigay opinyon